CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kaso sa Prosecutor’s Office ang pinaghihinalaan na pumatay sa isang 3rd year nursing student
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Fedimer Quitevis, Officer-in-Charge ng Community Affairs and Development unit ng SCPO na ang isinampang kaso laban sa pinaghihinalaan na si Jeffrey Addam Barga ay Robbery with Homicide
Bukod dito ay magsasampa rin ng kasong Carnapping ang inagawan nito ng tricycle.
Sa ngayon ay inaalam din nila kung may nagtago sa pinaghihinalaan noong tinutugis ng mga alagad ng batas.
Samantala, inihayag pa ni Police Major Fedimer Quiteves na kasalukuyan pa rin ang kanilang evaluation sa mga indibidwal na maaring bigyan ng isang daang libong pisong reward na ipinangako ni Mayor Sheena Tan Dy ng Santiago City sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Barga.
Nagsasagawa nasila ng evaluation sa nakapagturo para madakip ang pinaghihinalaan.
Pinawi naman niya ang pangamba ng mga pasahero na huwag matakot na sumakay sa mga tricyce dahil nagkataon lamang na tricycle ang sinakyan ng pinaslang na biktimang nursing student at hindi talaga namamasada ang nagmamaneho nito.
Pinasalamatan din ng pamunuan ng SCPO ang mga residente at mga opisyal ng barangay na nakipagtulungan para madakip ang pinaghihinalaan.