--Ads--

CAUAYAN CITY Itinalaga bilang bagong Regional Director ng Philippine Athletics Track and Field Association o PATAFA ang General Services Officer ng lungsod ng Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, nagpapasalamat si General Services Officer Ricky Laggui sa PATAFA sa pagpili sa kanya bilang bagong Regional Director ng PATAFA sa Region 2.

Aniya, ito ay bilang pagkilala na rin sa naging ambag nila sa mga nakaraang taon na paghohost ng City of Ilagan sa mga events na sponsored ng PATAFA.

Sa mga nakaraang taon ay naging host ang lungsod sa mga sporting events na sponsored ng PATAFA tulad ng Philippine Athletics Championships at Southeast Asian Youth Championship at siya ang naging punong abala.

--Ads--

Aniya, dahil accredited na track oval ng PATAFA at Asian Athletic Federation ng Athletics ang Sports complex sa lungsod ng Ilagan ay ang magiging role niya ay siya ang magpafacilitate, magrepresent at makikipag-ugnayan sa PATAFA at sa pamahalaang lungsod ng Ilagan tuwing may mga isasagawang laro.

Samantala, ang pagkakadeklara naman ng lungsod ng Ilagan bilang athletics hubs sa Pilipinas ay bilang pagkilala sa naging ambag ng lungsod at sa laging pagiging bukas na maging sentro ng mga sports.

Tiniyak niya na lalo pang pagagandahin ng lungsod ang kanilang mga pasilidad para sa mga susunod pang sporting events na isasagawa sa lungsod ng Ilagan.