--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang binata matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang wing van truck kaninang madaling araw sa pambansang lansangan sa barangay bagnos, Alicia, Isabela.

Ang nasawi ay si Jayson Reforisado, dalawmaput tatlong taong gulang, tubong Pangasinan ngunit nakatira ngayon sa Bantug Petines, Alicia, Isabela.

Ang tsuper ng wing van truck ay Raymond Lazaro, dalawamput-pitong taong gulang at residente ng San Pedro, Alicia, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Alicia Police Station na si Reforisado ay galing sa kasalan sa barangay Paddad at pauwi na siya nang umagaw ng linya kaya bumangga sa kasalubong na wing van truck.

--Ads--

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan si Reforisado at isinugod pa siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Edwin Baysa, sinabi niya na itinuring niyang anak si Reforisado na inilarawan niyang mabait at masipag.

Nagpapaalam naman umano siya kung may pupuntahan tulad sa pinuntahang kasalan sa Paddad.

Ayon kay Ginoong Baysa, masakit sa kanyang loob ang nangyari sa binata.