--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumuko na sa himpilan ng pulisya ang tsuper ng puting Toyota Fortuner na nakasagasa sa isang dalaga sa Sillawit, Cauayan City.

Matatandaang nasawi si Sandara Bareng, isang college student na residente ng naturang barangay matapos na mahit and run noong madaling araw ng August 10.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Esem Galiza, tagapagsalita ng Cauayan City Police Station sinabi niya na sumuko sa kanilang himpilan ang pinaghihinalaan na si Robert Agcaoillo, isang bank manager na residente ng San Fermin, Cauayan City kasama ang kanyang abogado.

Inihahanda na ngayon ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property laban sa suspek.

--Ads--

Tinig ni PMaj. Esem Galiza.