--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang sampong indibiduwal sa banggaan ng SUV at pampasaherong jeep sa lansangan na bahagi ng barangay San Antonino, Burgos, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj. Jonathan Ramos, hepe ng Burgos Police Station na binabagtas ng SUV ang daan patungo sa bayan ng Roxas at sa kanyang pag-overtake ay nasagi nito ang nakatigil na jeepney.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nabangga naman ng jeepney ang isang fried chicken stall.

Dahil dito ay nasaktan ang mga pasahero ng jeep na nalapatan naman agad ng lunas ang sugat ng mga nasugatan pero may dinala sa pagamutan at ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan at nakalabas na rin sa ospital.

--Ads--

Nagtamo rin ng minor injuries ang mga sakay ng SUV at nabigyan naman agad ng agarang lunas.

Ayon kay PMaj. Ramos, hindi naman accident prone area ang pinangyarihan ng aksidente at maaring namiscalculate lang ng tsuper ng SUV ang kanyang pag-overtake.

Paalala nila sa lahat ng tsuper na maging mahinahon sa pagmamaneho at obserbahan ang kapaligiran dahil malaking abala at pinsala kapag nasangkot sa mga ganitong klaseng aksidente.