--Ads--

CAUAYAN CITY – Tuloy tuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ng financial assistance kahit panahon ng pangangampanya para sa nalalapit na Barangay at Sanguninang Kabataan Elections.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucy Alan ng DSWD Region 2, sinabi niya na lahat ng kanilang programa kaugnay sa social services ay exempted sa ilalim ng COMELEC Resolution 10944.

Batay sa resolusyon ay pinapayagan ang pamamahagi ng Assistance to Individual in Crisis program kahit sa panahon ng halalan.

Sa makatuwid ay tuloy tuloy pa rin ang pamamahagi ng DSWD ng financial assistance sa kanilang mga satelite offices at SWAD offices.

--Ads--

Sa kabila nito ay nagbabala siya sa mga kumakandidato na pinaiiral nila ang Anti-Epal campaign at ipinagbabawal ang paggamit sa anumang programa at serbisyo ng ahensya para sa personal na interest ng mga tumatakbong  Barangay Officials.

Paalala niya sa mga kumakandidato na hindi sila maaaring mangialam sa anumang pamamahagi ng ayuda ng ahensya para maiwasang mahaluan ng politika ang pamamahagi nila ng tulong sa mga nangangailangan.