
CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang rider matapos na sumalpok sa poste ng kuryente ang minamaneho nitong motorsiklo sa bahagi ng Magsaysay, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Daryl Marquez, deputy chief of police ng Bayombong Police station sinabi niya na dead on arrival sa pagamutan ang biktima na si Lorence Ybañes, na residente ng Sta. Rosa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Aniya galing sa barangay Magsaysay ang biktima na lulan ng kaniyang motorsiklo at nang makarating sa harapan ng National Food Authority o NFA ay nawalan ito ng kontrol sa manibela at sumalpok sa poste ng kuryente.
Batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa pamilya ng biktima may problema ito sa kanyang pamilya subalit hindi naman makumpirma kung nasa impluwensya ito ng nakalalasing na inumin nang maganap ang aksidente.
Lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na mabilis ang pagpapatakbo ng biktima dahil na rin sa lakas ng impact at pinsalang natamo ng motorsiklo.
Aminado naman ang Bayombong Police station na accident prone area ang lugar dahil may kadiliman sa naturang bahagi ng daan.
Nanawagan sila sa mga motorista na mag ingat sa pagmamaneho lalo kung nasa impluwesnya ng alak o may pinag dadaanang problema upang matiyak ang kaligtasan at makaiwas sa aksidente.










