--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang lalaki na Number 1 most wanted person provincial level dahil sa pauli-ulit na pananamantala sa kanyang menor de edan na pinsan sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCAPT. MARVIN DECULING, Deputy chief of police ng Bambang Police Station na ang biktima ay labintatlong taong gulang habang ang akusado ay ang pinsan nito na tatlumpu’t anim na taong gulang.

Itinuturing itong Number 1 most wanted person provincial level na may kasong limang bilang ng statutory rape.

Aniya, nangyari ang panggagahasa nang iniwan ang biktima ng kanyang mga magulang dahil may pinuntahan ang mga ito sa Pangasinan.

--Ads--

Sinamantala naman ito ng akusado na kanilang kapitbahay para puntahan siya sa kanilang bahay at pagsamantalahan.

Batay naman sa biktima ay wala namang pananakot dahil ginusto rin umano nito ang pangyayari subalit ang problema ay menor de edad siya at magpinsan pa sila ng akusado.

Napag-alaman naman ang pangyayari nang dumating ang mga magulang nito at nagsumbong sila sa himpilan ng pulisya.

Sa ngayon ay nasa pag-iingat na nila ang akusado.

Paalala nila sa mga magulang na huwag basta-basta iwan ang mga anak sa kahit na kanino para maiwasan ang mga ganitong insidente at kung pupunta sa ibang lugar ay isama nalang ang kanilang mga anak.