CAUAYAN CITY – Binabantayan ng Department of Trade and Industry o DTI Isabela ang presyuhan ng Kandila at Bottled Water bilang paghahanda sa Undas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Glenbert Ramos Technical Assistant ng Consumer Protection Division ng DTI ISabela sinabi niya na patuloy ang monitoring nila sa presyo ng kandila at bottled water lalo na ngayong long weekend at Undas.
Labing anim na munisipalidad ang nakiisa sa simultaneous monitoring sa presyo ng kandila at tubig.
Kasabay naman nito ay ang monitoring sa mga Suggested Retail Price bilang pakikiisa sa Consumers Welfare Month.
Sa kabila ng manotoring ay walang naitalang pagtaas sa presyo ang DTI dahil nanatili pa rin ito sa SRP na kanilang ipinapatupad at walang nakitaan ng over pricing maliban sa isang munisipalidad na nabigyan nila ng letter of inquiry.
Wala ring inaasahan na pagtaas sa presyo sa mga bahay kalakal dahil karamihan ay nakabili na ng stocks sa kani kanilang suppliers.










