--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging payapa at maayos ang paggunita ng Undas sa buong Lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Manny Pawid ang tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sinabi niya na wala silang naitalang anumang krimen ngayong Undas.
Sa ngayon ay nakatutok na sila sa paguwi ng mga biyehero sa kani-kanilang mga probinsya dahil lahat ng mga kalsada papasok at palabas ng Rehiyon Dos ay bukas partikular ang mga provincial road sa buong Nueva Vizcaya.
Kahit tapos na ang Undas ay mananatili paring nakaalerto ang buong hanay ng Pulisya at mananarili parin ang mga establish Police Assistance Desk na kanilang itinatag sa iba’t ibang lugar sa Lalawigan.
--Ads--










