
CAUAYAN CITY – Isang pedestrian ang nasawi matapos na mabangga ng isang tricycle sa Barangay Daragutan West, San Mariano, Isabela.
Sa inisyal na impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan minamaneho ni Ruffo Palattao, tatlumpu’t tatlong taong gulang, magsasaka na residente ng naturang barangay ang isang tricycle nang mabangga nito ang biktimang si June Argonza.
Una rito binabaybay ni Palattao lulan ng kaniyang tricycle ang kalsada ng barangay Daragutan West at patungong kanluran na direksyon nang biglang tumawid ang biktima.
Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad dinala sa pagamutan ng mga rumespondeng barangay officials subalit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.
Kusang loob namang sumuko sa himpilan ng Pulisya si pallattao upang panagutan ang kaniyang nagawa.










