
CAUAYAN CITY – Naglagak na ng piyansa ang tsuper ng kotse na nakabangga-patay sa magkasintahan sa barangay Sinamar Norte noong unang araw ng Nobyembre.
Magugunitang nasawi ang magkasintahan na sina Sharon Bombarda, dalawampu’t limang taong gulang, guro, residente ng Sinamar Norte, San Mateo, Isabela at Jefferson Beltijar, dalawampu’t pitong taong gulang, bank employee, residente ng Dinapigue, Isabela habang ang tsuper ng bumangga sa kanilang kotse ay si Rogelio Gamiao Jr., dalawampu’t siyam na taong gulang, negosyante at residente ng Barangay 1, San Mateo, Isabela.
Ayon sa pulisya dahil nakapaglagak ng piyansa si Gamiao at wala na ito sa kanilang pag-iingat.
Una siyang sinampahan ng kaso sa inquest proceedings subalit ang isa ay regular filing dahil galing pa sa Dinapigue, Isabela ang mga magulang ng lalaking biktima.










