
CAUAYAN CITY – Natanggap na ng kanilang honoraria ang ilan sa mga Guro ng Schools Division Office o SDO ISabela na nagsilbi bilang Elections Supervisor sa nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 noong ikatatlumpu ng Oktubre.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Rachelle Llana, Schools Division Superintendent ng SDO SIabela sinabi niya na natanggap na ng mga guro na nagsilbi sa katatapos na halalan ang sampong libong piso na kanilang honoraria.
Aniya, wala naman silang natatanggap na reklamo dahil una nang naipaliwanag sa mga Guro ang honoraria na kanilang makukuha bago pa man magsimula ang Halalan dahil fix na sampung libong piso lamang ang babayaran ng COMELEC at hindi sakop dito ang overtime pay para sa mga Guro na gumugol ng sobrang oras para sa pagbibilang ng boto noong Halalan.
Sa ngayon ay wala silang naitalang anumang aberya na naranasan ng mga Guro noong Halalan at wala rin sa kanila ang nakaranas ng harassment kahit sa mga lugar na maraming mga kandidato at may Political Rivalry.
Agad din na naisaayos ang mga silid aralan na ginamit bilang polling center dahil marami sa mga Guro na nagsilbi sa halalan ay bumalik para maglinis sa mga classrooms at asahan na sa araw ng Lunes ay balik normal na ang klase sa mga eskwelahan sa Isabela.










