
CAUAYAN CITY – Sumailalim sa Mandatory Training ang lahat ng mga bagong halal na Sanguninang kabataan Officials mula sa tatlumpu’t siyam na barangay ng Lungsod ng Cauayan na ginanap sa Isabela Convention Center o ICON.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay committee on Law and Good Governance Chairman Bagnos Maximo sinabi niya na layunin nitong mahubog ang mga bagong halal na opisyal partikular sa Sanguniang Kabataan Officials para maisapuso ang bawat responsiilidad at magkaroon ng taos pusong pagseserbisyo na sa tingin nila ay kapaki-pakinabang para sa kanilang mga nasasakupan.
Ang pagsailalim sa training ng mga Sanguninang Kabataan bago ang kanilang panunumpa ay nakapaloob sa Sanguniang Kabataan o SK reform act at ang pagsasanay ay pangangasiwaan ng DILG at Local Youth Development Office.
Lahat ng mga bagong halal na SK Officials sa lungsod ay sumailalim sa pagsasanay na kanilang hinati sa dalawang araw dahil sa umabot sa 120+ participants ang nakiisa dito.
May naitakda na ring mass oath taking ang Pamahalaang Lungsod para sa lahat ng mga nanalong mga barangay at SK officials na posibleng isagawa sa huling linggo ng nobyembre.










