--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaabot sa tatlumput walong bahagdan ng mga Consumers ng Cauayan City Water District ang hindi nagbabayad.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Engr. Manolito Supnet, Department Manager/Commercial Services Department ng Cauayan City Water District na mayroon silang service connection na umaabot sa 13,700 gayunman ay mababa ang kanilang collection deficiency on time na nasa 61.5% lang.

Ang 38% na hindi nakakapagbayad ay malaking epekto sa kanila dahil ang Cauayan City Water District ay isang government owned and control corporation na wala namang subsidiya na galing sa National at local government.

Isa aniya ito sa nakakaapekto sa kanilang operasyon minsan dahil kung ano ang ibinabayad ng kanilang consumers ay ito lamang din ang kanilang ginagamit para sa kanilang operasyon.

--Ads--

Ayon kay Engr. Supnet, ang iba na malayo ang lokasyon ay mas pinipili na magmulta kaysa magbayad on time dahil sa mahal na pamasahe at nagbabayad nalang sa pangalawang buwan.

Dahil dito, mayroon na silang plano na maglagay ng isang collection booth sa West at East Tabacal Region para ang mga konsyumers na nahihirapan sa pagbabayad ay mayroon na silang tsansa na makapagbayad nang hindi na sila magmumulta.

Aniya, bago ang due date ang gagawin nilang collection time.

Nanawagan naman sila sa kanilang mga konsyumers na magbayad sa kanilang buwanang bill para hindi magmulta at hindi madisconnect.

Ang water district aniya ay hindi nagpapataw ng multa para pahirapan ang kanilang mga konsyumers kundi para turuan silang magbayad on time.