--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatanggap ng isang daang libong piso ang isang centenarian na residente ng Barangay Marabulig Uno, Cauayan City.

Ang centinarian ay si ginang Cecilai Cruz, isang daang taong gulang tubong Pililan Bulacan at Kasalukuyang nakatira sa Barangay Marabulig Uno.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay office of the Senior Citizens Affair o OSCA Chariman Edgardo Atienza sinabi niya na bago paman matanggap ni Ginang Cruz ang kanyang cash gift na 100 thousand pesos ay una na siyang nakatanggap ng cash gift mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Nagagalak si OSCA Chariman Atienza dahil na tanggap na ng isa pang centenarian sa Lunsod ang kanilang cash gift na malaki ang maitututlong sa kanilang pamilya.

--Ads--

Ikinabigla rin niya ang lakas ng pangangatawan ng Lola dahil kaya pa nitong tumayo at makapag lakad sa kabila ng kaniyang edad.