
CAUAYAN CITY – Hindi makapaniwala ang young student leader na magagawaran siya ng pagkilala bilang outstanding kabataan Cauayeno.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Angel Martin isang college student at residente ng Research, Minante Uno, Cauayan City sinabi niya na ito ang unang pagkakataon na sumabak siya bilang student leader at nagpapasalamat siya dahil kabilang siya sa sampung student leader na ginawaran bilang outstanding kabataan Cauayeno.
Isa sa mga dahilan para siya ay gawaran ng pagkilala ay ang pagiging aktibo niya bilang Regional Officer ng Supreme Student Council noong senior highschool pa lamang siya.
Sa pamamagitan ng kanilang mga efforts at programa ay napukaw ang pansin ng mga kinauukulan para siya ay mabigyan ng pagkilala.
Malaking tulong din ang walang sawang suporta ng kaniyang pamilya sa lahat ng kaniyang ginagawa.
Nagpapasalamat din siya sa Panginoon na numero uno niyang inspirasyon.
Payo niya sa mga kapwa kabataan na huwag na matakot lumabas sa kanilang comfort zone sa kabila ng mga pagdududa at pagsubok.











