--Ads--

CAUAYAN CITY –Tuloy ang operasyon ng Cauayan City Airport sa kabila ng pagkawala ng isang eroplano na patungo sa Palanan Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt. Eduard Caballero, hepe ng Cauayan Airport Police Station, sinabi niya na tuloy ang operasyon ng mga eroplano ng Cebu Pacific habang ang mga local flight pangunahin na ang patungo sa coastal towns ay wala pang kasiguraduhan kung kailan muling magbabalik sa operasyon maliban sa isang eroplano na gagamitin sana sa search and rescue operation ngayong araw ngunit hindi natuloy dahil sa masamang lagay ng panahon.

Patuloy naman aniya ang security preparation, flight operations at security measures na isinasagawa ng kanilang himpilan upang matiyak ang kaligtasan ng mga byahero.

Pinaalalahanan naman ni PCpt. Caballero ang mga mananakay na agahan ang pagtungo sa paliparan at tiyaking dala-dala ang mga kaukulang dokumento upang hindi maantala sa pagbyahe.

--Ads--