CAUAYAN CITY – Nanawagan ang Punong Brgy ng District 1, Cauayan City sa mga nagmamay-ari ng mga pakalat-kalat na baka sa kanilang barangay at sa Brgy. San Fermin na maging responsable at itali ang mga ito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Brgy. Capt. Marc De Hoya ng Brgy. District 1, nakiusap siya sa mga residenteng nagmamay-ari ng baka na itali ang mga ito bago pa magdulot ng disgrasya sa mga motorista.
Aniya nakakapinsala na rin ang mga ito sa mga pananim ng mga residente kaya mabuting itali na lamang.
Humingi naman ng tulong ang Punong Brgy sa mga residente na nakakakilala sa may-ari na ipagbigay alam sa kanila upang matunton at makausap nila ng maayos.
Nanawagan naman siya sa mga may-ari ng baka na bago pa magdulot ng aksidente ay itali na ang kanilang mga alagang hayop.











