--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinanghal bilang pinakamahusay sa lahat ng major units ng Philippine Army sa buong bansa ang 5th Infantry Division dahil sa pagiging disiplinado at sa pagpapatupad ng de-kalidad na serbisyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office o DPAO ng 5TH ID, sinabi niya na ang nasabing pagkilala ay kasabay ng isinagawang Annual General Inspection 2023.12.11

Dito ay nanguna ang 5th ID na nakakuha ng 94.5% na grado, habang ang 6th ID ay nakakuha naman ng gradong 94.2% at ang 4th ID na mayroong 93.9% na grado.

Naging mabisa umano ang pagpapatupad at paggamit sa resources ng 5th ID maging ang maayos na pamumuno ng mga opisyal ng dibisyon.

--Ads--

Kaugnay nito, nagpapasalamat naman ang pamunuan ng 5th ID at tiniyak ni MGen. Audrey Pasia na lalo pang paiigtingin ang kanilang pagsisikap para makapagbigay ng magandang serbisyo para sa lahat ng kanilang nasasakupan.

Ang Annual General Inspection ay basehan para matukoy kung naipapatupad ba ng mga yunit ng organisasyon ang kani-kanilang misyon.