CAUAYAN CITY – Hindi man lang natukso ang isang huwarang mamamayan ng San Mateo, Isabela na angkinin ang napulot nitong bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Irenio Bergonio Jr. collector ng water system ng LGU San Mateo sinabi niya na nakita niya ang bag sa parking area at dahil umuulan ay agad niya itong ipinasakamay sa isang POSO member nang buksan ay natuklasan ang bag ay nag lalaman ng 140,000 pesos.
Ang may-ari ng bag ay si Jocelyn Blance na tindera ng gulay sa palengke ng San Mateo.
Una rito napag alaman na nagtungo si Blance sa munisipyo upang magbayad ng bill sa tubig at saka lamang niya napansin na wala na ang kanyang bag.
Ayon kay Ginoong Bergonio na naputol ang isang strap ng shoulder bag na marahil dahilan para malaglag ito ay dahil umuulan ng oras na iyon ay hindi na marahil naramdaman ni Ginang Blance na nalaglag ang kaniyang bag.
Matatandaan na nakatakdang mabigyan ng pagkilala si Ginoon Bergonio dahil sa ipinamalas na katapatan kasabay ng kanilang Christmas party ngayong araw.











