CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Police Regional Office 2 na ligtas ang mga terminal hub sa buong lambak ng Cagayan sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong pasko.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Sharon Mallillin tagapagsalita ng Police Regional Office 2 sinabi niya na nakatutok ang buong hanay ng Pulisya sa pag inspeksyon sa mga terminal hub para matiyak na handa ang security protocols sa mga terminal.
Maliban dito ay nakaantabay sila sa pagsususri sa mga designated fire cracker zone kung saan tiniyak nila na lahat ng mga nagtitinda ng paputok ay may kaukulang permit.
Wala paring napapaulat na anumang insidente ng pagnanakaw ng termite gang ang PRO 2 kaya umaasa sila na walang mga negosyo ang mabibiktima ng naturang modus.
Tuloy tuloy parin ngayon ang kanilang Ligtas Paskuhan 2023 kung saan pinaaalalahanan ang publiko sa mga dapat at hindi dapat gawin ngayong pasko.











