CAUAYAN CITY – Nadagdagan pa ng anim ang naitalang kaso ng firecracker-related incidents sa Region 2 mula ikaanim hanggang kahapon ikalabimpito ng Disyembre.
Ito ang iniulat ng DOH Region 2 sa kanilang daily monitoring ng paputok sa Rehiyon Dos.
Sa ngayon, ang kabuuan nang bilang ay umabot na sa sampung kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok mula ikadalawamput isa hanggang ikadalawamput pito ng Disyembre, 2023.
Ayon sa DOH, mas mataas ito ng labing isang bahagdan kumpara sa parehong yugto noong nakaraang taon.
Pinakamarami sa naitalang kaso ng mga naputukan ay mga lalaki na edad walo hanggang dalawamput siyam na karamihan ay mula sa lalawigan ng Isabela.
Ayon sa DOH karamihan o 90% ay mga active user o mismong mga nagpaputok at 70% ay nagpaputok sa kanilang bahay.
Lima sa mga ito o 50% ang nagtamo ng blast/burn injury ngunit hindi naputulan ng mga daliri habang apat o 40% ang nagtamo ng sugat sa kanilang mga mata.
Dalawa o 20% naman ang naitalang naputukan ang mga daliri at kinailangang putulin dahil sa malalang pinsala.
Ayon sa DOH ang mga paputok na nagdulot ng mga injuries sa Region 2 y Bawang, Kwitis at Boga.











