CAUAYAN CITY – Handa na ang Schools Division Office o SDO Isabela sa muling pagbubukas ng klase.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Schools Division Superintendent Dr. Rachel Llana ng SDO Isabela sinabi niya na handang handa na ang lahat ng mga silid aralan dahil bago ang bakasyon noong buwan ng Disyembre ay nakapag-ayos na ang mga teaching at non-teaching personnel ng bawat eskwelahan para maging handa sa muling pagbabalik ng klase.
Samantala, sa ngayon ay wala naman silang natatanggap na ulat na may mga estudyante na nakabilang sa mga naitalang firecracker related injury sa lalawigan ng Isabela at umaasa silang walang mapapabilang sa listahan sa mga susunod na araw.
Kaugnay nito ay magpapatuloy naman ang pagpapatupad nila ng MATATAG Curicculum para sa grade levels habang ang mga piling pilot school ay ipapatupad ang MATATAG Curiculum para sa grade 2, Grade 5 at Grade 7.
Batay sa kanilang obserbasyon naging maayos naman ang pagtanggap ng mga learners at parents mula sa apat na pilot schools.











