CAUAYAN CITY – Ilulunsad na ngayong araw ng National Irrigation Administration o NIA-MARIIS ang kanilang solar powered pump irrigation projects.
Ang naturang proyekto ay inilagay dito sa Lunsod ng Cauayan at sa mga bayan ng Naguilian, at Reina Mercedes.
Ang solar powered pump irrigation project ng NIA-MARIIS dito sa Lunsod partikular sa Barangay Labinab ay magbibigay benepisyo sa apatnaput anim na magsasaka.
Inaasahang pangungunahan ni Mayor Ceasar Jaycee Dy ang inagurasyon ng solar powered pump irrigation project.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Efren Robang, Division Manager ng NIA-MARIIS Division 4, sinabi niya na ang lokasyon ng mga solar powered pump irrigation projects ay natukoy na mga sakahang hindi nakakasabay sa cropping calendar ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA.
Dahil sa naturang proyekto ay inaaasahan ng NIA-MARIIS na makakasabay na ang mga magsasaka sa pagtatanim ng palay para sa mas maayos na ani.











