--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinangunahan ng Isabela State University ang isinagawang 6th National Intellectual Property Masterclass kung saan dinaluhan ng tatlumput siyam na institusyon sa buong bansa.

Aabot sa isandaan limampung delegado ang dumalo para sa 5th at Final Lecture of the Masterclass na nagsimula pa noong Nobyembre 2023.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Ricmar Aquino, Presidente ng Isabela State University System, sinabi niya na ang 6th National Intellectual Property Masterclass ay isinasagawa ng Department of Science and Technology – PCAARD na bahagi ng Regional Agri-aqua Innovation System Enhancement (RAISE) Program nito katuwang ang Association of Patent Agent Qualifying Examination Professionals, Inc. bilang training provider.

Aniya labing limang araw itong training ngunit ang huling tatlong araw ay pinangunahan ng ISU at maraming intellectual property agents, innovators, at academicians ang nagtapos sa training.

--Ads--

Tiniyak ni Dr. Aquino na tuluy-tuloy ang nasabing training sa mga patent agents upang maprotektahan at mapaganda pa ang inventions at technology generations sa Pilipinas.

SAMANTALA Kasabay nito ang inagurasyon din ng kanilang bagong pasilidad pangunahin na ang goat meat processing facility sa San Mariano Isabela na isang startup fund grand program ng DOST-PCAARD at ISU System upang mapaganda ang sa pag-aalaga ng kambing sa rehiyon.

Aniya nais nilang pagandahin ang market ng goat meat sa bansa maging ang pag-export nito sa ibang mga bansa kaya inaasahan nilang mapalawak pa ito sa buong rehiyon hindi lamang sa bayan ng San Mariano.

Plano rin nilang maestablish na maging goat capital ang bayan ng San Mariano at makapag-apply sila ng special economic zone para sa export sa susunod na panahon.

Umaasa naman si Dr. Aquino na suportahan ito ng publiko dahil malaking tulong ito upang mapabuti pa ang ekonomiya ng Isabela.

Ganito pa ang karagdagang pahayag ni Dr. Ricmar Aquino.

Ipinaliwanag naman ng Department of Science and Technology ang kahalagahan ng pagsasagawa ng training sa mga intellectual property agents, innovators, at academicians para maprotektahan ang kanilang mga imbensyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Lucy Lastimosa ng DOST, sinabi niya na kailangang maprotektahan at ma-commercialize ang mga imbensyon ng mga estudyante ng mga state universities sa bansa.

Aniya kailangang mapunta sa tamang benepisaryo ang mga technology innovations na nagagawa ng mga mag-aaral tulad sa mga private sectors, MSMEs kung saan binibigyan naman ng assistance ng PCAARD-DOST para makapagsimula o mapabuti pa ang kanilang negosyo.

Aniya kritikal ang kaalaman ng mga negosyante sa mga bagong teknolohiya at dahil maraming mga nagagawang bagong teknolohiya ang mga estudyante ng mga state colleges ay ginagawa ng DOST ang mga programa upang magamit ang mga ito sa tamang paraan.

Paraan din aniya ito upang madala ang mga local products ng Pilipinas sa International Market sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya tulad ng social media.

Inanyayahan naman niya ang mga estudyante, entreprenuers, mga magsasaka na pwedeng magbigay ang DOST-PCAARD ng mga technical assistance o tulong upang umunlad ang pagnenegosyo.