--Ads--

CAUAYAN CITY – Naniniwala ang PNP Solano na lumakas ang loob ng ilang drug personality simula nang magpalit ng pangulo ang bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMAJ. ANTHONY AYUNGO, hepe ng Solano Police Station na nang makita ng mga drug personality na naglie low ang mga otoridad sa panghuhuli sa mga sangkot sa iligal na droga lalo na ng hindi na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pangulo ng bansa ay bumalik muli sila sa iligal na gawain.

Mula aniya ng mag-iba ang pangulo ng bansa ay iba’t ibang supplier na ang nagdadala sa kanilang nasasakupan.

Batay din sa kanilang pagsisiyasat ay may ugnayan ang mga nahuhuling drug personality sa kanilang karatig na bayan.

--Ads--

Tiniyak naman niya na patuloy ang kanilang monitoring kaya nahuhuli nila agad ang mga drug personality sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay PMAJ. AYUNGO, ang mga nasasangkot sa iligal na droga sa bayan ng Solano ay hirap sa buhay o hirap na makahanap ng trabaho kaya napipilitan silang gumawa ng iligal na gawain.

Paalala nila sa mga drug personalities o sa mga nagbabalak na masangkot sa ganitong gawain na tigilan na ito dahil nakakasira ito ng buhay.