--Ads--
CAUAYAN CITY – Idinulog na ng Sangguniang Panglungsod ng Cauayan sa Department of Energy ang paniningil ng ilang nagtitinda ng Liquefied petroleum gas o LPG para sa pagpapalit ng tangke.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Sangguniang Panglungsod member Bagnos Maximo Jr. na sa ngayon ay pinag-uusapan pa ang sistemang ipapatupad kaugnay sa pagpapalit ng mga lumang tangke ng LPG.
Gayunman habang hinihintay ang resulta ay ipapaubaya muna nila sa mga manufacturers kung sisingilin nila ang mga magpapapalit ng tangke.
Kung parehong brand naman aniya ay wala nang dapat bayaran at kung magkaiba sa ipapalit na tangke ay doon na lamang magbayad.
--Ads--











