--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng labin-limang oras na libreng Theoretical Driving Course ang Land Transportation Office sa Dangan, Reina Mercedes sa ikadalawa ng Marso.

Ang programa ay para sa bayan ng Reina Mercedes partikular sa mga taga Barangay Dangan, Cutug Pequenio, Cutug Grande, at Barangay Santor.

Magsisimula ito ng alas otso ng umaga at gaganapin sa Barangay hall ng Dangan, Reina Mercedes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Deo Salud, District Head ng Land Transportation Office Cauayan City, sinabi nito na malaking tulong ang isasagawang libreng Theoretical Driving Course dahil 2,500 pesos ang bayad nito kung sakaling hindi libre.

--Ads--

Sa mga nagnanais dumalo ay kailangang magdala ng Medical Certificate, Xerox copy ng Certificate of Indigency, PSA, at Valid ID, at kopya ng marriage contract para sa mga kasal na babae.

Ayon kay Salud, malaking kaginhawaan sa mga gustong magkaroon ng lisensya ang naturang theoretical driving course dahil ang tanggapan na ng Land Transportation Office Ang lalapit sa mga Barangay.

Hinikayat din niya Ang mga residente sa mga nabanggit na Barangay upang samantalahin ang pagkakataong  makakakuha ng student permit.

Aniya, Bago makakuha ng student license ay kailangan munang dumaan sa theoretical driving course at magkaroon ng certificate.

Samantala, bukas din ang Land Transportation Office sa mga renewal ng drivers license at kailangan lamang ng medical certificate at Ang kanilang lisensya.