--Ads--

CAUAYAN CITY – Natukoy na ang pagkakakilanlan ng nasawing miyembro ng New People’s Army sa sagupaan sa pagitan ng 502nd Infantry Brigade at teroristang grupong Komiteng Rehiyon Cagayan Valley sa Barangay Pateng, Gonzaga, Cagayan noong ikadalawampu’t tatlo ng Perbero.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Rigor Pamittan, chief ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division, Philippine Army, sinabi niya na kinilala ang nasawing New People’s Army na si Gerald Lerio Paredog na kilala sa kilusan sa mga alyas na “Daloy” at “Gani” na tubong Sta. Margarita, Samar.

Nanirahan ito sa lungsod ng Quezon noong siya ay naging organizer ng Migrante International Quezon City Chapter.

Si Ka Daloy ay naging kasapi ng organisasyong Compatriots at Partido Komunista ng Pilipinas, at tuluyang naging miyembro ng New People’s Army noong 2016.

--Ads--

Una siyang naging medical officer sa kinabilangang squad na West front Committee bago inilipat at maging miyembro ng East Front Committee ng KomProb Cagayan.

Samanatala, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Gonzaga at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict kasama ang mga kasundaluhan, pulisya at pinuno ng Barangay Pateng ay nabigyan ng disenteng libing si alyas “Daloy” sa pampublikong sementeryo ng Barangay Pateng, Gonzaga, Cagayan.