CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagtatayo ng mga solar powered irrigation ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System o NIA MARIIS sa lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS, kasalukuyan ang pagpapatayo ng Solar Powered Irrigation Projects sa mga lugar na nakakaranas na ng kakulangan ng tubig na nasasakupan ng NIA-MARIIS.
Aniya may mga natapos na silang walong proyekto na makakatulong sa mga magsasaka sa susunod na cropping season.
Aniya nasa 250 million pesos na halaga ng proyekto ang nakatakdang isailalim sa bidding para ngayong taong 2024.
Umaabot sa tatlong buwan ang pagpapatayo ng mga building ng solar powered irrigation ngunit nakadipende ito sa lalim ng panggagalingan ng tubig.
Paraan aniya ito upang makasabay ang mga magsasaka sa pagtatanim kahit sila ay hindi kabilang sa irrigated mula sa patubig ng NIA-MARIIS.











