CAUAYAN CITY – Nasugatan ang isang magsasaka matapos siyang mabangga ng isang pampasaherong bus sa Bonfal, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Jolly Villar, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sinabi niya na tumatawid ang biktima sa kalsada nang mabangga ng victory liner bus na patungo sa Lungsod ng Cauayan.
Ang biktima ay si Arnold Lopez, animnapu’t limang taong gulang, magsasaka at residente ng Bonfal, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Aniya, nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin ang pedestrian at hindi rin umano napansin ang paparating na bus.
Mapalad naman siya dahil fracture lamang sa paa ang kanyang natamo.
Ayon kay PMaj. Villar maliwanag naman sa lugar dahil sakop ito ng pambansang lansangan at marami ring dumadaan na sasakyan nang maganap ang aksidente.











