--Ads--
CAUAYAN CITY – Naging mapayapa ang pagsasagawa ng Licensure Examination for Teachers o LET kahapon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Public Order and Safety Division o POSD chief PILARITO MALLILLIN na naging mapayapa ang naganap na Licensure Examination for Teachers kahapon at wala naman silang naitala na hindi kanais-nais.
Wala rin silang naitala na mabigat na daloy ng trapiko at hindi naman naging problema ang mga daan na under construction dahil linggo kahapon at tumigil sa pagtatrabaho ang mga gumagawa.
Wala rin silang naitala na nagreklamo dahil sa sobrang paniningil ng mga tricycle drivers dahil mahigpit nila itong tinututukan.
--Ads--











