--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkaroon ng seminar/workshop ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod partikular ang mga kababaihan upang talakayan Ang kaso ng depresyon at suicide.

Ang seminar ay ginanap sa F.L Dy Coliseum na pinangunahan ng Gender and Development Focal Point Systems.

Ang nasabing seminar ay pinamagatang “Symposium on Depression and Stress Management among LGU Employees Specially Female Employees” na dinaluhan ni Registered Psychologist Dominick Agoot, bilang tagapagsalita.

Tinalakay ang stress, depression, at suicide topic upang bigyan ng sapat na kaalaman ang mga empleyado kung paano nila malalagpasan ang pinagdadaanan at kung anong gagawin nila kung sakaling ilan sa kanilang kasamahan sa trabaho ang nakararanas nito.

--Ads--

Naniniwala si Agoot na may mga nakararanas ng depresyon sa ilang mga empleyado kaya sinabihan niya ang mga ito na libangin ang sarili tulad ng pagkain sa labas, pamamasyal, at pagshopping.

Dapat aniya ay marunong ang mga LGU employees kung paano kontrolin ang nararamdamang depresyon lalo pa at marami silang nakakasalamuha araw-araw.

Samantala, sa usaping suicide naman aniya dahil nauuso ang pagpapatiwakal, kung mayroon mang magsabi na magpapatiwakal, mainam na ipagbigay alam agad ito sa pamilya upang mapigilan ang masamang plano.

Ayon pa kay Agoot, hindi kailangang maging psychologist para matutunan ang tamang pagkontrol sa stress at depresyon.

Hindi rin aniya kailangan na maging psychologist para matulungan ang mga taong nakakaranas ng depresyon.