--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim na sa blue alert status ang Office of Civil Defense Region 2 bilang bahagi ng pagbabantay nila sa holy week.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Sunshine Asuncion, tagapagsalita ng Office of Civil Defense Region 2 na mula kahapon, ikadalawampu’t dalawa hanggang ikadalawampu’t pito ng Marso ay itinaas na nila ang alert status sa ikalawang rehiyon sa blue alert.

Sa ikadalawampu’t walo hanggang ikatatlumpu’t isa ng Marso naman ay itataas sa red alert status ang rehiyon at ibabalik sa blue alert sa una hanggang ikalawang araw ng Abril.

Aniya, kapag isinailalim sa blue at red status ang isang lugar ay kailangang magdedeploy sila ng mga response assets sa mga lugar na madalas puntahan ng mga tao lalo na sa mga ilog at resorts.

--Ads--

Magiging katuwang nila ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection at iba pang concerned agencies sa pagbabantay sa mga matataong lugar at sa mga entry at exit points ay kasama naman nila ang Department of Public Works and Highways para alalayan ang mga travelers.

Layunin aniya nitong maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari tulad ng pagkalunod na ang madalas na nagiging biktima ay ang mga bata at ang mga nakainom ng alak.

Umaasa naman sila na walang maitatalang malulunod o masangkot sa ano mang hindi kanais-nais na pangyayari ngayong lenten season.