CAUAYAN CITY – Patay ang isang rider matapos na magsariling maaksidente sa Jones Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Felixberto Lelina, Hepe ng Jones Police station sinabi niya na accident prone area ang pinangyarihan ng aksidente dahil pakurbada ang daan.
Ang biktima ay si Eugene Calimag na residente ng San Vicente Jones, Isabela
Ayon sa kamag-anak ng biktima, una na nilang pinigilanng magmaneho ng motorsiklo ang biktima dahil naka-inom ng alak subalit nagpumilit pa rin ito.
Napag-alaman naman na may problema ang biktima nang maganap ang aksidente.
Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na human error ang sanhi ng aksidente at may kabilisan din ang pagpapatakbo nito.
Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kaniyang agarang pagkasawi.
Dahil sa insidente ay muling nagpaalala ang pulisya sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, huwag magmaneho ng nakainom at ugaliing magsuot ng helmet.











