--Ads--

CAUAYAN CITY – Maagang isinagawa sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP  Cauayan City ang ilang kaganapan tuwing Semana Santa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kay Atty. Emerald Hombrebueno, Jail Chief Inspector ng BJMP  Cauayan City, ibinahagi niya na noong Byernes ay bumisita ang Parish Priest ng Our Lady of the Pillar Parish Church sa BJMP na nagsagawa ng feeding program, confession, at recollection sa mga Persons Deprived of Liberty o PDLs.

Aniya, ang mga Katolikong PDLs lamang ang nakiisa sa confession o kumpisal at hindi ito naging sapilitan.

Noong Linggo ay muling bumisita ang mga Seminarista at nagsagawa muli ng feeding program at Holy Rosary bilang parte sa paggunita ng Semana Santa.

--Ads--

Ayon kay Atty. Hombrebueno, napaaga ang pagbisita ng mga Seminarista kaugnay sa paggunita ng Semana Santa dahil inaasahan na ngayong holy week ay magiging abala na sila sa simbahan.

Samantala ngayong Semana Santa ay magkakaroon pa rin ng Holy Mass at mapapakinggan at mapapanood ito virtually dahil magsasagawa ng Washing of the Feet sa BJMP Regional Office 3 at manonood na lamang ang mga PDLs sa Cauayan.