--Ads--

CAUAYAN CITY – Humingi ng paumanhin sa mga consumer ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP matapos ang mga nangyaring ekstensyon sa oras ng mga scheduled power interruption sa ISELCO 2 sa mga nagdaang linggo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Sherwin Balloga, District 1 Director ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO 2 sinabi niya na kanilang ipinatawag ang NGCP upang maliwanagan sa mga nangyaring power interruption sa mga linyang sakop ng ISELCO 2.

Matatandaang maraming negatibong komento ang mga member consumer sa mga scheduled brownouts ng ISELCO 2 dahil tumagal ng mahigit isang oras ang 6AM to 6PM na power interruption.

Humingi ng paumanhin ang NGCP kaugnay sa nasabing pangyayari at tiniyak na hindi na ito mauulit sa mga susunod na power interruptions.

--Ads--

Mungkahi ng board of directors ng ISELCO 2 na gawin na lamang 6AM to 7PM ang schedule upang hindi umasa ang mga member consumer.

Mas ikakatuwa pa aniya ng mga consumer kung mas maaga pang matapos ang pagsasaayos at agad na maibalik ang tustos ng kuryente.

Pinasalamatan naman ng NGCP ang kooperatiba na binigyan sila ng pagkakataon na magpaliwanag at malaman ang panig ng kooperatiba at member consumer sa nasabing usapin.

Tiniyak ng NGCP na pag-aaralan ang nasabing mungkahi upang maiwasan na ang pangyayari.