--Ads--

CAUAYAN CITY – Nailigtas ng isang pulis ang isang turista na muntikang malunod habang naliligo sa dagat na bahagi ng Baler, Aurora.

Ang pulis ay si Police Chief Master Sergeant Adrian Delos Santos na miyembro ng Aurora Tourist Police Unit.

Habang ang nailigtas naman ay si Jaspher Romulo, trenta anyos at turista na mula sa Metro Manila.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan napag-alaman na naliligo umano ang biktima sa dagat nang bigla umano siyang tangayin ng alon patungo sa malalim na bahagi ng dagat.

--Ads--

Dito na umano humingi ng tulong ang mga kasamahan ng biktima sa mga pulis na kasalukuyang nagpapatrolya sa lugar kung saan ay kaagad namang kinuha ni Pice Chief Master Sergeant Delos Santos ang kanyang surf board at iniligtas ang lalaki.

Maayos namang nakarating sa pampang ang dalawa at wala namang tinamong anumang pinsala ang biktima dahil sa pangyayari.