CAUAYAN CITY – Naging maganda ang turn out sa muling pag-arangkada ng satellite registration ng Lupon ng Halalan o COMELEC Cauayan city.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Christopher Thiam, election Officer ng Cauayan City sinabi niya na naging maganda ang turn out ng Satellite Registration ng COMELEC sa barangay dahil well coordinated sa mga opisyal ng barangay ang registration at maayos na naipaalam sa mga residente.
Aniya, Sinasamantala ngayon ng COMELEC ang pagpaparehistro bago ang 2025 elections.
Sa muling pag-arangkada ng voters registration ay nakapagtala sila ng animnapu’t anim na registrans sa barangay Sillwawit na mataas na kung maituturing para sa kabuuang 2,400 registrants mula ng magsimula ang satellite registration.
Inaanyayahan niya ang publiko na samantalahin ang kanilang satellite registration dahil sa susunod na sabado ay nasa barangay Pinoma sila.
Samantala, sa kasalukuyan ay wala pang schedule ng satellite registration para sa forest regions sa Lunsod.
Wala namang pagbabago sa proseso sa pagpapatala dahil binibigyan pa rin nila ng application form ang mga magpaparehistro.
Pinaalala naman niya ang mga dati ng nakapagparehistro sa SK elections na nanatili pa rin silang active voters at hindi na kailangan na muling magparehistro para sa Local and National Elections.











