--Ads--

CAUAYAN CITY – Papasinayaan na ngayong araw, ikalabintatlo ng Abril ang dalawang malaking proyekto ng Isabela State University Echague main campus na SWIM o Smart, Water, Infrastructure and Management at KIST o Knowledge, Innovation, Science and Technology park.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Romano Cammayo, Vice President for administration ng Isabela State University Echague main campus na darating sina Secretary Renato Solidum ng Department of Science and Technology at Director General Tereso Panga ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA sa inagurasyon ng SWIM at KIST.

Dadalo rin si Cong. Inno Dy ng ikaanim na distrito ng Isabela at si Mayor Kiko Dy ng Echague, Isabela.

Aniya, ang SWIM o Smart Water Infrastructure and Management ay proyekto ng kanilang Vice President for Research and Development na si Dr. Orlando Balderama.

--Ads--

Ito ay ang feasibility study ng magat dam kung saan magbibigay sila ng data at ito ang magiging basehan ng rehabilitasyon ng dam.

Sa initial evaluation ay sinasabi sa kanilang research na sampong taon na lamang ang itatagal ng magat dam kaya ito ngayon ang kanilang proyekto sa pakikipagtulungan sa Kyoto Univerisity at Japanese Government at sa koordinasyon sa JICA (JAICA) bilang main agency.

Sa susunod na taon ay posibleng matapos na ang kanilang feasibility study.

Ayon pa kay Atty. Cammayo, papasinayaan din ang kanilang KIST o Knowledge Innovation Science and Technology park na naipatayo sa bayan ng Echague.

Ang KIST ay pinangungunahan naman ni Dr. Jonathan Nayga na director ng Cagayan Valley Small Ruminants Research Center.

Layon aniya ng mga proyektong ito na maabot ang vision ng unibersidad na maging Leading Research University in the ASEAN Region.

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Jonathan Nayga, inihayag nito na sa Cagayan Valley Small Ruminants Research Center ay nagsasagawa sila ng mga researches at extension activities para sa pag-aalaga ng kambing.

Sinusuportahan nila ang mga magsasaka sa artificial inseminations at iba pang paraan para sa pag-aalaga ng kambing.

May programa rin sila na Technology Business incubation at tinutulungan ang mga Micro, small and medium enterprises o MSMEs na madevelop ang kanilang mga produkto at maibenta sa tamang merkado.

Ang KIST o Knowledge Innovation Science and Technology park ay naglalayong palawakin ang kaalaman ng industry players na gustong palakihin ang kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng pagdevelop ng kanilang produkto at sa pakikipagtulungan sa pamahalaan para sa pag-angat ng ekonomiya.