--Ads--

CAUAYAN CITY – Walang anumang untowards incident o kaguluhang naitala ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa kasagsagan ng selebrasyon ng Gawagaway-yan Festival sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Ernesto Nebalasca Jr., hepe ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na generally peaceful at walang naitalang anumang insidente sa mga lugar kung saan ginanap ang Gawagaway-yan Festival.

Wala ring naobserbahang anumang kaguluhan sa banchetto partikular sa mga pwestong nagbebenta ng nakalalasing na inumin.

Sa kabila ng pagiging abala sa Gawagaway-yan Festival ay naging maayos ang deployment ng PNP personnel para sa pagtiyak sa seguridad sa buong Lungsod kasama ang Limampung PNP personnel augmentation na mula pa sa iba’t ibang mga istasyon ng pulisya at PNP units.

--Ads--