--Ads--

CAUAYAN CITY – Umalma si Mayor Maila Ting Que ng Tuguegarao City sa mga paratang kaugnay sa biglaang paglobo ng mga chinese Student Sa Lalawigan na iniuugnay sa mga ipinatayong Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites sa Lalawigan ng Cagayan.

Sa kaniyang post sa social media, hindi naiwasan ni  Mayor Ting Que na maglabas ng hinaing sa naturang usapin lalo na at nadadamay ang reputasyon ng mga unibersidad at pamantasan sa Lungsod ng Tuguegarao.

Iginiit niya na hindi lamang mga chinese national na mga estudyante ang kasalukuyang enrolled sa iba’t ibang Universities and Colleges sa Tuguegarao City dahil marami ring mga local students na dumadagsa sa lungsod para mag-aral.

Aniya, may iba’t ibang Memorandum of Understanding ang Commission on Higher Education o CHED sa iba’t ibang Universities and Colleges hindi lamang sa lungsod ng Tuguegarao kundi maging sa iba pang foreign countries sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Foreign Ministry.

--Ads--

Sa katunayan sa mismong pagmonitor niya at sa ginanap na forum ay lumabas na nasa higit apatnaraang Chinese National students lamang ang enrolled sa St. Paul University.

Dagdag pa niya na una nang naglabas ng pahayag ang embahada ng Pilipinas sa China na hindi dapat ihinahalo ang education program sa kasalukuyang maritime dispute sa pagitan ng Pilipinas at China.

Labis siyang nalulungkot bilang ina ng Lungsod ng Tuguegarao na wala ng ibang hinangad kundi ang kaayusan at matiyak ang best of the best pagdating sa mga Universities and Colleges na nagsilbing imahe ng Tuguegarao City dahil pilit na hinihila sa kontrobersiya.

Nilinaw niyang hindi siya salungat sa gustong gawing imbestigasyon subalit kailangan ding imbestigahan ang tao o politikong nasa likod ng kontrobersiya na nagpakalat ng maling impormasyon na nagbibigay batik sa reputasyon ng Tuguegarao City.

Hinamon din niya ang media na bukas ang lungsod para sa kanila at para makita ang totoong sitwasyon sa St. Paul University.