--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis na ikinalungkot ng isang Local historian ang pagkasunog ng St. Ferdinand Parish Church.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Troy Alexander Miano, Regional Director NG Department of Tourism Region 2 at isang local historian, sinabi niya na nakaramdam siya ng kalungkutan habang pinapanood ang videos habang nasusunog ang St. Ferdinand Parish Church.

Batay sa kasaysayan ang mga simbahan ngayon ay simbulo ng pamahalaan noong panahon ng mga kastila at kabilang sa kinikilalang unang apat na pamayanan sa Lalawigan ng Isabela ay ang City of Ilagan at ang St. Ferdinand Parish Church ay isa sa tumatayong simbolo sa kasaysayan ng Lunsod sa nakalipas na apat na raang taon kasama ang Tumauini, Naguilian Norte at Naguilian Sur bilang kauna-unahang Christian settlement.

Sa katunayan ang St. Ferdinand Parish Church ay kabilang sa tourism circuit ng Lalawigan at ng City of Ilagan.

--Ads--

Aniya, hindi na bago ang ganitong pangyayari dahil bagamat  ang istruktura ay nasunog subalit ang pananampalayata ay hindi nawawala kaya naniniwala siya na kasabay ng pagkawasak ng simbahan ay ang pagtayo ng mas magandang St. Ferdinand Parish Church.

Bukas ang DOT Region 2 na tumulong sa restoration ng St. Ferdinand Parish Church subalit nakasalalay pa rin ito sa desisyon Diocese of Ilagan.

Irerekomenda naman nila na maibalik ito sa dating estado upang masaksihan pa ng mga susunod na henerasyon ang mayabong na kasaysayan ng lunsod.