--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang studyante sa isinagawang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation ng PNP sa Purok 2, Brgy. Sotero Nuesa, Roxas, Isabela.

Ang suspek ay itinago sa alyas “Sendo” na kabilang sa street level individual list.

Nasamsam mula sa kaniyang pag-iingat ang isang piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na may kasamang fruiting tops, isang piraso ng nakaselyong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Matapos ang imbentaryo, ang suspek maging ang mga nasamsam ng ebidensya ay dinala sa Roxas Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

--Ads--