CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga kapulisan bang isang lalaking tinaguriang No.1 Most Wanted Person Station Level- Baguio City sa kasong Rape sa Brgy. Sta. Catalina, Quirino, Isabela.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office kilala ang akusado sa alyas na “balong” na nahuli ng pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan ng PNP Isabela at Baguio City Police Station 5 Legarda.
Nahaharap ang akusado sa kasong 3 counts of rape.
Nadakip ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ng hukom noong July 16, 2024 para sa kasong nabanggit na walang inirekomendang piyansa sa bawat bilang ng kaso para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Sa ngayon, ang akudado ay dinala sa Quirino Police Station para sa dokumentasyon at naaayong disposisyon bago iturn-over sa korteng pinagmulan.