CAUAYAN CITY – Ikinadismaya ng Ibon Foundation ang pagbaba ng inilaang pondo sa sektor ng Agrikultura para sa taong 2025.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IBON Foundation Executive Director Sonny Africa, sinabi niya na kapansin pansin na ang mahahalagang ahensya ng pamahalaan ay nabawasan ng pondo subalit nabigyan ng malaking alokasyon ang imprastraktura at militarisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Nagbawas din ng pondo ang Social Security and Employment maging sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Aniya, maraming mga Pilipino ang nangangailangan ng tamang serbisyo mula sa gobyerno subalit bigo ang mga kinauukulan na maibigay ito.
Wala ring nakitang pagbabago ang grupo sa presyo ng pagkain sa nakalipas na dalawang taon taliwas sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kaniyang State of the Nation Address o SONA.
Pinalagan din nila ang pahayag na Dalawang milyong Populasyon ng mga Pilipino ang umahon sa kahirapan gayung wala namang nailaang pondo para sa mga kainakailangang tanggapan para sa pagdami ng trabaho.