--Ads--

Sinalubong ng kilos protesta mula sa mga progresibong grupo ang pagdating ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Lean Jimenez ang Coordinator ng Bayan Europe, sinabi niya na nagsagawa sila ng pag-kilos sa labas ng International Criminal Court para ipahayag ang kanilang pag suporta sa ginawang pag-aresto ng ICC at Interpol kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kasama nila sa ginawang kilos protesta sa harap ng ICC ang Balikbayan,Migrante, Gabriela, at Non-Filipino groups.

Layunin ng kanilang pag kilos na ipakita ang kanilang paghihintay para sa hustisya para sa lahat ng biktima ng war on drugs at iba pang naging biktima ng paglabag sa karapatan pantao.

--Ads--

Hiling nila sa ICC na gampanan ang kanilang tungkulin para mag tuloy-tuloy ang pagpapanagot sa dating Pangulo sa kaniyang mga naging paglabag.

Para sa kaniya napaka laking hakbang ang pagkakadakip ni Duterte dahil sa napakatagal na panahon na paghihintay ng hustisya para sa higit tatlong libong mga inosenteng biktima sa madugong giyera kontra droga.

Sa kabila aniya ng kapanatagan ay hindi pa maaaring sabihin na ito na ang katapusan dahil simula palamang ito ng mahabang laban hanggang sa pagbayaran ng dating Pangulo ang kaniyang kasalanan.

Giit niya mapaya ang sitwasyon sa The Hague at hindi naging problema ang seguridad dahil suportado sa Netherlands ang right to expression kaya matiwasay nilang nailunsad ng programa.

Nagkaroon din ng pagkilos ang mga kababayan sa UK at ilan pang British Supporters kung saan nagsagawa sila ng vigil.

Paliwanag niya na silang mga progresibong grupo ay  walang pinapanigang politiko hindi pro-Duterte o Pro-Marcos subalit sila ay pumapanig sa katotohanan at sa hustisya.

Sa kabilang dako ay nagsagawa rin ng pag-kilos ang ilang supporters ni Dating Pangulong Duterte na ipinanawagan na siya ay palayain at ibalik na sa Pilipinas.

Naniniwala sila ginawa lamang ng Dating Pangulo ang kaniyang tungkulin bilang Presidente ng Pilipinas nang ilunsad nito ang War on Drugs upang pangalagaan ang kaligtasan ang bawat Pilipino.

Giit pa ng grupo na walang hurisdiksyon ang ICC sa mga kasong isinampa laban sa dating Pangulo dahil matagal ng kumalas ang Pilipinas sa ICC.

Matatandaan dumating sa The Hague, Netherlands ang dating Pangulo Pasado alas-sais ng gabi oras sa netherlands at kasalukuyang nasa pangangalaga na ng ICC.