Naging matagumpay ang isinagawang random drug test sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Cauayan kung saan lahat ng sumailalim ay nag negatibo.
Ayon sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Ceasar Jaycee Dy Jr., sinabi niya na taon taon nang ginagawa ang random drug test sa mga kawani ng pamahalaan at ngayon ay tinaasan na ang bilang ng mga indibidwal na sumailalim.
Noong nakaraang taon aniya ay 20 porsyentong indibidwal lamang ang sumailalim at ngayong taon naman ay 30 porsyento na ng pamahalaan.
Dagdag pa ng alkalde, kampante siya na walang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang tanggapan ngunit kinakailangan pa rin nila na magsagawa ng random drug test upang makampante ang taumbayan.
Sa pagsasagawa ng drug test, tiniyak naman aniya nila na lahat ng empleyado ay mayroong pangalan sa listahan kung saan sila bumunot ng mag da-drug test.
Hindi naman aniya kinabahan ang mga sumailalim sa test dahil kampante ang mga ito.
Wala rin aniyang pinipili sa kanilang random drug test dahil babae man o lalaki ay sumailalim rito.