--Ads--

Inilibing na ngayong araw ang pulis na nasawi sa pamamaril sa Bugallon, Ramon, Isabela .

Matatandaan na noong November 15,2025 ay pinagbabaril patay si PMSgt. Mario Lopez Jr. Isa sa mga imbestigador ng San Agustin Police Station ng hindi pa kinikilalang suspect sa Purok 3, Barangay Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Unang nakarinig ang mga residente ng sunod-sunod na putok ng baril ngunit inakala nilang ito ay simpleng “test fire” lamang ilang minuto ang lumipas, dumating ang mga sasakyang pulis sa lugar.

Sa pinangyarihan ng krimen, natagpuan ng mga rumespondeng awtoridad ang bangkay ni Lopez kasama ang mahigit sampung basyo ng bala.

--Ads--

Batay sa paunang imbestigasyon ng Ramon Police Station, hindi naka-duty ang biktima nang araw na iyon at nagtungo sa bayan bandang alas-4 ng hapon para sa umano’y transaksyon sa pagbili ng mais.

Ang taong katransaksyon ng biktima ay isa sa mga tinitignang person of interest .

Sa kasalukuyan, patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen at nagsasagawa ng hakbang upang matukoy ang iba pang sangkot.